Monday, February 23, 2026

𝟮𝟵 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗦, 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗-𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔 𝗖𝗢𝗣𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡

Cauayan City – Umabot sa 29 wanted persons ang nadakip ng Isabela Cops sa loob ng isang linggong operasyon mula Pebrero 13 hanggang 19, 2026.

Kabilang ang isang top municipal most wanted, habang isang suspek ang naaresto sa illegal firearms at ilang baril ang boluntaryong isinuko sa ilalim ng Kontra BOGA.

Timbog rin ang anim na katao sa ilegal na pagsusugal sa Cauayan City, habang isang kaso ng cattle rustling ang nauwi sa pagsuko ng tatlo at pagbawi ng isang baka na nagkakahalaga ng ₱45,000.

Naitala rin ang anti-smuggling operation sa bayan ng San Agustin na nagresulta sa pagkasamsam ng mga LPG tank, habang umabot sa mahigit 1,700 violators ng local ordinances ang nahuli sa buong Isabela.

Ayon sa pulisya, patuloy pang paiigtingin ang operasyon upang panatilihing ligtas at kontrolado ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments