
Cauayan City – Muling nagbigay-karangalan sa lalawigan ng Cagayan ang dalawang kabataang Cagayano matapos silang mag-uwi ng mga medalya sa International Science Olympiad Competition of Southeast Asia (ISOCSEA) at International Mathematics Olympiad Competition of Southeast Asia (IMOCSEA) sa Osaka, Japan.
Nakamit ni Marquee Decena, tubong Enrile at kinatawan ng University of Saint LouisโTuguegarao, ang Bronze Medal sa ISOCSEA matapos makipagsabayan sa mga kalahok mula sa ibaโt ibang bansa sa Timog-Silangang Asya.
Samantala, mas doble ang karangalang iniuwi ni Lance Derald Pineda Auingan, tubong Aparri at kinatawan ng Lyceum of Aparri. Siya ay nagwagi ng Silver Medal (Top 7) sa ISOCSEA at Bronze Medal naman sa IMOCSEA.
Nakipagtagisan ng talino ang dalawang Cagayano sa mga estudyante mula sa Malaysia, Indonesia, India, Mongolia, Bulgaria, Thailand, Vietnam, at Bangladesh, kung saan kanilang ipinamalas ang husay at talino sa larangan ng agham at matematika.
Patuloy ang paghakot ng parangal ng mga kabataang Cagayano sa mga internasyonal na kompetisyon, patunay na kayang makipagsabayan ng talino at galing ng mga taga-Cagayan sa pandaigdigang entablado.
Facebook Comments









