Tuesday, February 17, 2026

โ€Ž๐Ÿฎ ๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—•๐—œ๐——๐—ช๐—”๐—Ÿ, ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”๐——๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—›๐—œ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐—•๐—จ๐—ฌ-๐—•๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก

โ€Ž
โ€ŽCauayan City – Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan ng Cagayan nitong ika-16 ng Pebrero taing kasalukuyan.
โ€Ž
โ€ŽSa bayan ng Gattaran, nadakip ng mga operatiba ng Gattaran Police Station, katuwang ang Cagayan Provincial Mobile Force Company at PDEA Regional Office 2, ang 29-anyos na suspek na kilala sa alyas โ€œSol.โ€
โ€Ž
โ€ŽNarekober sa kanya ang tinatayang isang gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa apat na sachet, buy-bust money, at ilang drug paraphernalia, pati isang motorsiklong walang plaka.
โ€Ž
โ€ŽSamantala, sa isinagawang operasyon ng City Drug Enforcement Unit sa Tuguegarao City, naaresto ang 33-anyos na suspek na alyas โ€œJamesโ€ matapos umanong magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na isang gramo, marked money at isang cellphone.
โ€Ž
โ€ŽKasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek at inihahanda na ang pagsasampa ng kaso ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
โ€Ž
โ€ŽSource: Cagayan PPO

————————————–

โ€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

โ€Ž#985ifmcauayan
โ€Ž#idol
โ€Ž#numberone
โ€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments