𝟮 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗛𝗔𝗡, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

Cauayan City – Sa kulungan ang bagsak ng dalawang kalalakihan matapos maaresto ng mga ito sa Brgy. Bugallon Proper, Ramon, Isabela dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Ayon sa ulat, ang mga suspek ay kinilala sa pangalang alyas “Lester” at alyas “Tony”, kabilang sa listahan ng mga indibidwal na nasa watchlist ng PNP at PDEA.

Sa ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-bust operation, nasamsam sa pag-iingat at kontrol ng mga suspek ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at 1000 peso bill na siyang buy-bust money, karagdagang isang silyadong plastic sachet na naglalaman ng parehong kontrabando, isang cellphone, at motor.


Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Ramon PS ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments