Saturday, March 7, 2026

โ€Ž๐Ÿฎ ๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—ข, ๐—ฆ๐—จ๐—š๐—”๐—ง๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—–๐—ฌ๐—–๐—Ÿ๐—˜ ๐—”๐—ง ๐—ฉ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—˜๐—–๐—›๐—”๐—š๐—จ๐—˜, ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—”

โ€ŽCauayan City โ€” Dalawa ang nasugatan sa isang aksidente sa kalsada ngayong araw ika-8 ng Pebrero, sa Maharlika Highway, Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.
โ€Ž
โ€ŽNasangkot sa insidente ang isang tricycle na minamaneho ni alyas “Jojo”, 37-anyos, sakay si alyas ” Nancy”, 66-anyos, parehong residente ng Purok 1, Brgy. Sto. Domingo Echague Isabela; habang ang commuter van naman ay minamaneho ni alyas “Mon”, 65-anyos, mula sa Purok 7, Brgy. Soyung, Echague, Isabela.
โ€Ž
โ€ŽAyon sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, parehong patungo sa Brgy. Cabugao ang mga sasakyan.
โ€Ž
โ€ŽNang mangyari sa pinangyarihan ng aksidente, lumiko pakaliwa ang tricycle at hindi ito napansin ng van na nooโ€™y nag-overtake kaya nagkaroon ng banggaan.
โ€Ž
โ€ŽSugatan sa magkakaibang bahagi ng katawan si “Jojo” at “Nancy” kung kaya’t agad silang dinala ng rescue team ng MDRRMO Echague sa Southern Isabela Medical Center sa Santiago City para sa karagdagang lunas, samantalang ligtas naman si “Mon”.
โ€Ž
โ€ŽDinala sa Echague Police Station ang mga sangkot na sasakyan para sa imbestigasyon habang tinutukoy pa ang kabuuang halaga ng pinsala.

————————————–
โ€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ€Ž#985ifmcauayan
โ€Ž#idol
โ€Ž#numberone
โ€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments