𝟮 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡

Nagtamo ng severe injuries sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawang lalaki na kinabibilang ng isang estudyante.

Kinilala ang mga biktima na sina Dave Abiva, 26 anyos at driver ng tricycle lulan ang 16 anyos na si Shadrac Luke Ringor pawang mga residente ng Brgy. Bolasi, San Fabian.

Naganap ang insidente ng hatinggabi nang magbanggaan sa center road ang tricycle at isang truck sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Tocok.

Lubhang nasugatan ang isa sa mga biktima na ayon sa nakalap na impormasyon ng iFM Dagupan ay naputulan ng hita. Itinakbo pa sa pagamutan ang nga biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Samantala, hindi nasugatan at sumailalim din sa medico-legal ang driver ng truck. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments