𝟮 𝗠𝗘𝗡𝗢𝗥-𝗗𝗘-𝗘𝗗𝗔𝗗, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗥𝗔𝗣𝗘

CAUAYAN CITY – Sa kulungan ang bagsak ng dalawang menor-de-edad matapos silbihan ang mga ito ng warrant of arrest dahil sa kasong statutory rape sa Buguey, Cagayan.

Ayon sa ulat ng Cagayan Police Provincial Office, ang sekswal na pang-aabuso na kinakaharap ngayon ng mga suspek ay isinampa ng kanilang biktima na isa ring menor-de-edad.

Ang mga suspek na kilala sa alyas na “Nick” at “John” ay kapwa kabilang sa Top 10 Most Wanted person sa Probinsya ng Cagayan.


Sa ngayon ay nananatili sa loob ng kulungan ang mga suspek dahil walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments