𝟯,𝟬𝟬𝟬 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗥𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗟 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗡𝗨𝗠𝗣𝗔

Idinaos ang Oathtaking Ceremony ng mga pumasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) na ginanap sa Urdaneta City Cultural Center and Sports Complex.

Aabot sa higit tatlong libong mga bagong guro ang nanumpa sa pangunguna ng Professional Regulation Commission (PRC) at ng Professional Regulatory Board for Licensed Professional Teachers maging ng Professional Association for Teachers and Educators.

Mensahe ng mga opisyal ng PRC, nanguna umano sa pagbabago ang mga bagong propesyonal na tinaguriang ‘Red Lantern’.

Ginawaran naman ng parangal ang mga topnotchers sa rehiyon sa naturang programa, gayundin ang mga nakapasa sa nakaraang March 2024 Licensure Examination for Teachers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments