𝟯𝟬 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘

Patay ang isang 30 anyos na lalaki matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa poste ng kuryente sa kahabaan ng Brgy. Matalava, Lingayen, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, alas dos ng hapon ng mangyari ang insidente kung saan binabagtas ng biktima ang kakalsadahan nang bigla itong bumangga sa poste.

Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Walang suot na helmet ang biktima nang mangyari ang insidente at sinasabing amoy alak ito.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments