Nasa tatlumput anim (36) na mga barangay mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Pangasinan ang nakakaranas ngayon ng pagbaha bunsod ng tuloy-tuloy pag-uulan ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Ayon kay PDRRMO Operations and Training Head Vincent Chiu, sampu rito ang mula sa Calasiao, tatlo sa Malasiqui, lima sa Lingayen, pito sa Umingan, apat sa Balungao, dalawa sa Mangatarem, dalawa sa Labrador, dalawa sa Sta. Barbara at isa sa bayan ng Dasol.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng PDRRMO sa mga tanggapan ng mga lokal na pamahalaan at sinisigurong sapat ang mga kawani ng kani-kanilang MDRRMO sakaling magsagawa ng search and rescue operation.
Nauna nang nagsagawa ng pagpupulong ang ahensya bago pa man pumasok ang Bagyong Enteng sa bansa upang mabigyan ng agarang aksyon sa mga Pangasinenseng pangangailangan ng tulong. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨