Mayrong 371 na guro sa Ilocos Region ang tinukoy na ‘mahirap’ ayon sa resulta ng poverty database ng Department of Social Welfare Development Regional Office 1 na Listahanan.
Ang naturang bilang ay tumutumbas sa 0.87% ng kabuuang 42,458 guro mula sa iba’t-ibang lugar at academic institutions sa rehiyon. Layunin ng Listahanan na matukoy ang mga pagkakakilanlan at lugar na kabilang sa mahihirap na sambahayan sa Pilipinas at na maaring maging benepisyaryo ng mga social protection programs.
Kaugnay nito, sa ilalim ng Executive Order no. 64 ay natanggap na ng mga guro sa bansa ang taas sahod at epektibo mula 2024 hanggang 2027 noong Setyembre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments