๐Ÿฏ-๐——๐—”๐—ฌ ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—›๐—–๐—”๐—ฅ๐—˜ ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ฉ๐—œ๐——๐—˜๐—ฅ, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐——๐—ข๐—›-๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ

Cauayan City – Sumailalim sa tatlong (3) araw na pagsasanay ang mga healthcare service provider sa lambak ng Cagayan para sa maayos na pangangasiwa sa Senior Citizen Health and Wellness Center sa rehiyon.

Ang nasabing pagsasanay ay pinamunuan ng Department of Health (DOH) Region 2 na nakahanay sa implementasyon at pagkamit sa layunin ng Universal Health Care Act.

Dinaluhan ng dalawampu’t apat (24) na healthcare service providers, kabilang na ang anim (6) na doctor at labing-walo (18) na nurse ang naturang programa.


Layunin ng naturang pagsasanay na palakasin ang mga primary service provider na nakatutok sa Geriatric care upang tugon sa tumataas na pangangailangang-pangkalusugan ng nakatatandang mamamayan.

Inihayag ni Senior Daycare and Health and Wellness Center Point Person, Sheila Marie Villamil ang pangangailangn ng geriatric training para makaiwas sa mga sakit at upang matutukan ng maayos ang common health conditions ng mga senior citizens.

Facebook Comments