
Cauayan City β Nasakote ng Enrile Police Station ang tatlong lalaki matapos maaktuhan sa umanoβy ilegal na pangingisda sa bayan ng Enrile, Cagayan kasunod ng sumbong mula sa isang concerned citizen.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas Efren 28-anyos, alyas Emil, 45-anyos, at alyas Joseph, 49-anyos, mga magsasaka, at residente ng Rizal, Kalinga.
Batay sa ulat ng pulisya, agad na kumilos ang mga tauhan ng Enrile Police upang beripikahin ang natanggap na impormasyon. Sa ikinasang operasyon, nahuli ang mga suspek habang gumagamit ng ipinagbabawal na electrofishing devices dahilan upang sila ay arestuhin.
Nasamsam sa operasyon ang dalawang set ng electrofishing equipment gayundin ang humigit-kumulang 10 kilo ng huling isda eel na tinatayang nagkakahalaga ng β±1,800.
Matapos ang pagkakadakip, dinala ang mga suspek sa kustodiya ng Enrile Police Station, at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8550 o Philippine Fisheries Code.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










