𝟯 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

CAUAYAN CITY- Malamig na rehas ngayon ang hinihimas ng tatlong kalalakihan matapos masukol ng mga otoridad sa pagbebenta ng iligal na droga sa Brgy. Cabannungan 1st, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “David”, “Rigor”, at “Paco”, at pawang mga residente ng nasabing lalawigan.

Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang apat (4) na piraso ng selyadong pakete ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at drug paraphernalias.


Dinala ang mga naarestong suspek sa Ilagan City Component Police Station para sa kaukulang dokumentasyon.

Samantala, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments