𝟰𝟮 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗-𝟭𝟵 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID 19 sa Region 1 matapos makapagtala ng 42 na bagong kaso.

Batay ito sa latest monitoring ng Department of Health – Ilocos Region.

Ang naitalang kaso ay mula noong June 30 hanggang nito lamang June 6 sa kasalukuyang taon.

Nakitaan ng pagbaba sa kaso kumpara sa bilang na naitala sa nakalipas na mga linggo na umabot sa halos isang daang mga COVID19 cases.

Samantala, Higit tatlong milyong indibdiwal o katumbas nito ang 102% ang nabakunahan na ng covid-19 vaccine sa buong rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments