𝟰𝟰𝟰𝘁𝗵 𝗙𝗢𝗨𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗗𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚

Ipinagdiriwang ngayong araw ng Biyernes, April 5 ang ika-444th na anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan.

Matatandaan na nauna nang idineklara ng Malacañang na Special Non-Working Holiday ang April 5 sa buong lalawigan ng Pangasinan, sa bisa ng Proclamation No. 498, s. 2024.

Ngayong araw din ang pagbabahagi ng mensahe ng namumunong gobernador sa lalawigan ng kanyang State of the Province Address (SOPA) kasabay ng founding anniversary para sa hudyat ng gaganaping selebrasyon ng Pistay Dayat.

Samantala, isa sa binibigyang pansin ngayon alinsunod sa pagdiriwang ang pagpapakilala at pagpapalakas pa ng sining at kultura ng probinsya, kasunod ng mga aktibidad na inihahanda ng Pamahalaang Panlalawigan kaugnay dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments