Karagdagang 471 na medical staff ang itinalaga sa labing apat na government run hospital sa Pangasinan ayon sa Pamahalaang Panlalawigan.
Bahagi ito ng pagpapalakas sa sektor ng kalusugan na matugunan ang pangangailangan ng mga Pangasinenseng may sakit at walang kakayanan upang magpagamot.
Maliban dito, Bumili rin ng karagdagang 22 ultrasounds, anim na computed tomography (CT) scans, isang magnetic resonance imaging (MRI), at labing-siyam na X-ray machines na ipinamahagi sa labing apat na ospital na hangaring gawing moderno ang mga ito.
Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, maliban sa edukasyon, social services, at trabaho, prayoridad nito na matutukan ang kalusugan ng mga Pangasinense.
Matatandaan na, isinagawa ang groundbreaking ceremony ng bagong gusali sa Eastern Pangasinan District Hospital upang maserbisyuhan ang mga residente sa Asingan, Tayug, Balungao, Natividad, Rosales, San Manuel, San Quintin, San Nicolas, Santa Maria at Umingan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨