𝟰-𝗦𝗘𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗖𝗘𝗦𝗦𝗡𝗔 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗘, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗢, 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na pagbagsak ng isang Cessna Plane sa bahagi ng katubigan ng San Fernando city sa La Union.

Ayon sa pahayag ng Philippine Coast Guard Northwestern Luzon Command naganap ang aksidente kahapon ng alas-9 ng umaga matapos nitong mag-take off mula sa San Fernando City Airport.

Dalawa ang sugatan sa nasabing insidente na pawang sakay ng isang 4-seater Cessna plane na may body number na RP-C6923, na nag-crash sa dalampasigan ng Brgy. Canaoay, San Fernando, La Union.

Agad naman dinala sa pagamutan ang mga sakay ng nasabing Cessna Plane, upang lunasan ang mga tinamong sugat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments