
β
βCauayan City β Pinalakas pa ng 502nd Infantry βLiberatorβ Brigade ang kanilang kahandaan matapos lumahok sa kauna-unahang Combined Arms Division Exercise (CADEX).
β
βLayunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng 5th Infantry Division (5ID) at mga yunit nito sa pagtatanggol ng bansa.
β
βTampok sa pagsasanay ang mission planning, Rehearsal of Concept drill, Tactical Exercise Without Troops, at pagbibigay ng Operational Order para maayos na ma-synchronize ang operasyon ng mga yunit sa simulated na sitwasyon.
β
βSa pagtatapos ng aktibidad, binigyang-diin ni Major General Gulliver L. SeΓ±ires, commander ng 5ID, ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagsasanay sa pag-angkop ng Army sa external defense operations.
β
βNilinaw din ng mga opisyal na ang CADEX ay hindi nakatuon laban sa anumang bansa, kundi bahagi ng tungkulin ng Army na protektahan ang soberanya at mamamayang Pilipino.
β
βSource: 5th Infantry Division
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










