Friday, February 13, 2026

โ€Ž๐Ÿฑ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐—ก๐—— ๐—œ๐—ก๐—™๐—”๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—ฌ ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—š๐—”๐——๐—˜, ๐—ก๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—œ๐— ๐— ๐—˜๐——๐—œ๐—”๐—ง๐—˜ ๐—”๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐——๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—”

โ€Ž
โ€ŽCauayan City – Isinagawa ng 502nd Infantry (Liberator) Brigade ang isang praktikal na pagsasanay sa Immediate Action Drill (IAD) sa Echague, Isabela, bilang bahagi ng Company Integration Training Exerciseโ€“01.
โ€Ž
โ€ŽLumahok sa pagsasanay ang 246 na reservistang mag-aaral, opisyal, at enlisted personnel mula sa ibaโ€™t ibang yunit kabilang ang 502nd Infantry Brigade, 95th Infantry Battalion, 86th Infantry Battalion, Forward Support Medical Company, 5th Signal Battalion, at 2nd Regional Community Defense Group ng Reserve Command, Philippine Army.
โ€Ž
โ€ŽAyon sa pamunuan ng Liberator Brigade, mahalaga ang IAD sa pagpapaigting ng disiplina at kahusayan ng mga sundalo sa aktuwal na operasyon.
โ€Ž
โ€ŽPinagtibay sa pagsasanay ang wastong pagsunod sa standard operating procedures, pagpapabilis ng reaksyon, at mas maayos na koordinasyon sa pagitan ng regular na tropa at mga reservista.
โ€Ž
โ€ŽSa pamamagitan ng inisyatibong ito, layon ng 502nd Infantry Brigade na higit pang mapahusay ang kakayahan sa ground operations, command and control, at komunikasyon ng mga yunit.
โ€Ž
โ€ŽInaasahang makatutulong ito sa pagpapalakas ng pangkalahatang kahandaan at pagiging epektibo sa misyon ng mga regular at ready reserve units sa Region 2.
โ€Ž
โ€ŽSource: 502ND INFANTRY – LIBERATOR BRIGADE

————————————–

โ€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

โ€Ž#985ifmcauayan
โ€Ž#idol
โ€Ž#numberone
โ€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments