𝟱𝟬 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗚 𝗦𝗔 𝗛𝗘𝗟𝗠𝗘𝗧 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗬 𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Naitala ng Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan ang limampung motorista na lumalabag araw araw sa lungsod sa umiiral na Helmet Policy na naaayon sa Republic Act 10054 o ang Motorcycle Helmet Act of 2009.

Ayon kay POSO Chief Arvin Decano, mga estudyante na hindi taga-Dagupan ang madalas na mahuli na lumalabag sa naturang batas.

Binigyang diin ng opisyal na Layunin ng naturang batas na protektahan ang mga motorista at malimitahan umano ang malalang pinsala sa mga ito kung kaya’t mahalaga na maipatupad.

Sa ngayon ay nakaantabay umano ang pwersa ng POSO Dagupan sa mga kakalsadahan sa Dagupan City lalo na at nito lamang ay umpisa na ang klase sa mga paaralan, maging tinututukan din ang daloy ng trapiko dahilan ng epekto sa nagpapatuloy na road projects sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments