𝟱𝟭 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞

Patay ang 51 anyos na lalaki sa Brgy. Perez, San Carlos City matapos magulungan ng truck.

Kinilala ang biktima na si Rafael Padlan.

Ayon sa driver ng truck na si Bryan Nacion, magdedeliber lamang sana ito ng cake ngunit nahagip niya ang biktima at nagulungan nang subukang magovertake sa isa pang sasakyan.

Aniya, bigla umanong tumawid si Padlan kaya hindi na it nakapagpreno kaya nasagasaan ang biktima.

Sinubukan pang itakbo sa hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek at haharap sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments