𝟲𝗞 𝗔𝗣𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜- 𝗣𝗥𝗢𝗦𝗘𝗦𝗢

Umabot sa higit anim na libo ang applications na natanggap ng Commission on Elections (COMELEC) Dagupan sa katatapos lamang na voter’s registration.

Ayon kay COMELEC Dagupan City Election Supervisor Atty. Frank Sarmiento, ipapadala ang mga naturang aplikasyon upang iproseso para sa approval ng mga ito at idagdag sa mga kasalukuyang bilang ng mga rehistradong botante.

Sa huling tala ng COMELEC Dagupan nitong Hunyo, nasa higit 141,000 na ang rehistradong botante sa lungsod.

Sa huling araw ng registration nasa 575 na aplikasyon ang natanggap ng mga ito kung saan natapos sila ng mag aala syete ng Gabi matapos pagbigyan ang mga humabol sa registration. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments