𝟲𝟬𝟬 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡 𝗣𝗢𝗡𝗗𝗢, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗥𝗠-𝗧𝗢-𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Popondohan ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang konstruksyon ng mga farm-to-market roads sa barangay ng Mangaldan.

Ayon sa lokal na pamahalaan nasa 600 milyong piso ang inilaan ng kagawaran para dito. Makikinabang ang mga magsasaka sa lugar upang maibalik ang sigla ng industriya ng agrikultura.

Makakatulong din ito upang mabawasan ang gastusin ng mga magsasaka sa transportasyon na isa sa mga dahilan ng pagbaba ng kanilang kita.

Sa pamamagitan ng farm-to-market road mabilis na mapalabas ng mga magsasaka sa lugar ang kanilang mga kalakal sa merkado gaya ng mais, palay, kamatis at marami pang iba. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments