Aabot sa animnapu’t anim na kabahayan sa Brgy. Baroro, Bacnotan La Union ang dinemolish matapos lumabas ang demolition order mula sa korte.
Dahil dito, apektado ang nasa 13 displaced families na kasalukuyang nasa Regional Evacuation Center dahil walang matuluyan.
Ayon sa isang residente na nakapanayam ng IFM News Dagupan, naalarma ang mga ito matapos mag padala ng pwersa ng kapulisan na na aabot sa dalawampu sa kasagsagan ng demolisyon sa kabila umano ng pagiging kalmado ng mga residente.
Dagdag nito, masakit man ay tanggap nila ang desisyon ng korte ukol sa nagmamay-ari ng lupa na kinatitirikan ng kanilang mga tahanan.
Kaugnay nito, hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang ilan pang apektadong residente na magtungo sa evacuation center upang mabigyan ng kaukulang tulong. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨