
Cauayan City – Bistado ang 6 na indibidwal sa ilegal na paglalaro ng tong-its sa Brgy. Sta. Luciana, Cauayan City, Isabela kahapon, ika-25 ng Enero.
Ang mga nadakip ay kinilalang sina “Romer”, 60-anyos, “Nene”, 59-anyos, “Chris”, 40-anyos, “Julius”, 59-anyos, “Pablo”, 42-anyos, at “Che”, 33-anyos.
Ayon sa ulat, aktuwal na nadatnan ng mga police personnel ng Cauayan City Police Station ang mga nadakip na naglalaro ng “tong-its”.
Nakumpiska ng kapulisan ang mga ebidensya ng ilegal na aktibidad ng mga ito kabilang na ang 6 na set ng baraha, mga upuan, lamesa, bet money na nagkakahalaga ng P1,230.
Matapos ang pagkakaaresto, dinala ang mga nadakip sa himpilan ng Cauayan City PS kasama ang mga ebidensya para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.
———————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










