𝟳 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟

CAUAYAN CITY- Ginawaran ang pitong bayan sa Isabela ng 2024 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) National Award sa Rehiyon Dos.

Ito ay matapos ang isinagawang Performance Audit ng Department of Interior and Local Government(DILG) mula buwan ng Marso haggang kasalukuyan.

Kabilang sa mga bayan na nabigyang parangal ay ang bayan ng Tumauini, Alicia, Delfin Albano, Dinapigue, Quezon, at Roxas.


Ang naturang parangal ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng mga otoridad at mga opisyal upang masugpo at mawakasan ang iligal na droga sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments