𝟳.𝟭 π— π—”π—šπ—‘π—œπ—§π—¨π——π—˜ π—˜π—”π—₯π—§π—›π—€π—¨π—”π—žπ—˜, π—‘π—œπ—¬π—”π—‘π—œπ—š π—”π—‘π—š π—•π—”π—‘π—¦π—”π—‘π—š 𝗝𝗔𝗣𝗔𝗑

CAUAYAN CITY – Niyanig ng 7.1 magnitude earthquake ang timog na bahagi ng bansang Japan noong Huwebes, ika-8 ng Agosto.

Sa pahayag ng United States Geological Survey, tumama ang lindol bandang 4:42 ng hapon sa isla ng Kyushu na kabilang sa Miyazaki Prefecture.

Ayon naman sa ulat ng Fire and Disaster Management Agency, siyam na katao ang naitalang nasugatan kung saan pito sa mga ito ay may major injuries habang ang dalawa ay hindi pa malinaw kung gaano kalala ang natamong sugat.


Isang bahay naman sa Kagoshima ang gumuho at sa kabutihang palad ay walang naitalang namatay o nasugatan.

Wala ring naitalang abnormalidad sa mga nuclear power plants sa naturang isla.

Samantala, patuloy ang pagsusuring ginagawa ng mga awtoridad sa pinsalang iniwan ng lindol.

Facebook Comments