𝟴𝟬 𝗣𝗘𝗥𝗖𝗘𝗡𝗧 𝗩𝗔𝗖𝗖𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗔𝗧𝗘, 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟰

Inihayag ni Mangaldan Health Officer Larry Sareto ang hangarin ng lokal na pamahalaan na ipaabot sa 80 percent ang vaccination rate sa bayan ngayong taon mula sa 61 percent noong nakaraan matapos mapili ang bayan bilang pilot area ng programa ng DOH.

GInanap ng Department of Health CHD-1 at UNICEF ang Regionwide Launching ng programang “Everyday Bakunahan” na naglalayong mabigyang bakuna ang mga sanggol at bata.

Ayon kay DOH-CHD 1 Regional Director Paula Sydiongco, napili ang bayan ng Mangaldan dahil kinakailangang bakunahan ang mga bata sa lugar at akma sa malaking populasyon na mayroon ang bayan.

Kaugnay nito, patuloy na isinasagawa ang bakunahan sa Mangaldan araw-araw hanggang Linggo kabilang ang holidays at gaganapin sa Mangaldan Urgent Care and Infirmary Clinic. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments