
Cauayan City – Kabi-kabilaang aksidente sa lansangan ang bumungad sa unang buwan ngayong taong 2026.
Sa lungsod ng Cauayan, nakapagtala ng 86 kaso ng aksidente sa lansangan simula January 1, 2026 hanggang January 28,2026.
Sa nabanggit na bilang, isa ang sa kasamaang palad ay binawian ng buhay.
Samantala, 49 naman sa mga nasangkot ang magpositibo sa nakalalasing na inumin habang nagmamaneho, habang 47 ang nahuling walang suot na helmet.
Bilang hakbang tungo sa ligtas na pagmamaneho ng sasakyan at paggamit ng kalsada, tuluy-tuloy ang ginagawang program and prevention ng iba’t-ibang ahensya sa lungsod ng Cauayan.
Kabilang rito ang tuluy-tuloy na road safety awareness campaign ng Cauayan City Police Station at ang pagbabantay ng Public Order and Safety Division Cauayan City sa mga kalsada sa lungsod ng Cauayan.
Patuloy rin ang paalala ng kinauukulan sa mga motorista kaugnay sa dapat na pagsunod sa mga batas trapiko, at ang maingat at responsableng pagmamaneho sa kalsada.










