CAUAYAN CITY- Natanggap na ng mga magsasaka ang kanilang indemnity checks ngayong araw ika-30 ng Oktubre sa bayan ng Tumauini, probinsiya ng Isabela.
Ang pamamahagi ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Tumauini katuwang ang Philippine Crop Insurance Corporation- Regional Office No. 2.
Sa kabuuan, 901 magsasaka ang nakatanggap ng indemnity check na may kabuuang halaga ng PhP 4,808,041.98.
Ang mga magsasakang nakatanggap ay nakareshistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) Program kung saan makakatanggap ng libreng insurance ang mga ito.
Samantala, hinihikayat naman ni Mayor Venus Bautista ang mga magsasaka na mag-avail ng insurance bilang proteksyon sa kanilang mga pananim.
Facebook Comments