𝟡𝟬-𝗗𝗔𝗬 π—¦π—¨π—¦π—£π—˜π—‘π—¦π—œπ—’π—‘ 𝗑𝗔 π—œπ—‘π—œπ—›π—”π—œπ—‘ π—žπ—”π—¬ 𝗨π—₯π——π—”π—‘π—˜π—§π—” π—–π—œπ—§π—¬ 𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ π—₯𝗔𝗠𝗠𝗬 𝗣𝗔π—₯𝗔𝗬𝗑𝗒 π—œπ—œπ—œ, 𝗑𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 𝗑𝗔

Natapos na ang siyamnapung araw na preventive suspension na inihain kay Urdaneta City Mayor Julio Parayno III noong August 12 dahil sa umano’y paglabag sa RA 11032 o ang Ease of Doing Business Law.

Ang pinag ugatan ng suspensyon ng alkalde ay dahil sa pagpapasara nito ng isang poultry farm na kumpleto ang isinumiteng requirements.

Matatandaan na kasamang nasuspinde ng alkalde ang Head ng Business Processing and Licensing Office na si Ronaldo San Juan na natapos na rin ang preventive suspension.

Kahit suspendido ay nakapaghain ng kandidatura para sa 2025 Midterm Elections ang alkalde habang umuusad ang imbestigasyon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA). |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments