Saturday, April 11, 2026

šŸµšŸÆ š—œš—¦š—”š—•š—˜š—Ÿš—˜Ć‘š—¢ š—™š—”š—„š— š—˜š—„š—¦ š—”š—”š—— š—™š—œš—¦š—›š—˜š—„š—™š—¢š—Ÿš—žš—¦, š—”š—”š—£š—”š—šš—žš—”š—Ÿš—¢š—¢š—•š—”š—” š—”š—š š— š—šš—” š— š—”š—žš—œš—”š—”š—„š—¬š—”

Cauayan City – Nakatanggap ng mga kagamitan at makinarya ang kabuuang 93 benepisyaryo mula sa mga kooperatiba at samahan ng magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng Isabela.

Ang pamamahagi ay pinangunahan ni Isabela Governor Rodito T. Albano III sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist

Kabilang sa mga nakinabang ang mga miyembro ng high-value commercial crops sector, mga grupong pangisdaan, rural-based organizations, at mga rice farmers.

Layunin ng ipinamahaging mga kagamitan na makatulong sa produksyon, pagproseso, at pagpapataas ng halaga ng kanilang mga produkto upang mapabuti ang kanilang ani at magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan.

Binigyang-diin ni Gov. Albano na layunin ng pamahalaang panlalawigan na alisin ang mga middlemen o trader upang direktang mabili ang mga produkto mula sa mga magsasaka. Sa ganitong paraan, masisiguro umano ang tamang presyo at mas matatag na kita para sa mga lokal na producer.

Ayon sa gobernador, sisikapin ng pamahalaan na mabili ang mga ani ng mga magsasaka upang hindi sila malugi at upang matiyak na mapapangalagaan ang kanilang kabuhayan.

Facebook Comments