𝟵𝟳-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗢𝗟𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗧𝗥𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬

CAUAYAN CITY – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang lola matapos itong bigong makalabas sa natutupok na bahay sa Brgy. Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.
Kinilala ang biktima na si Saturnina Guray.
Nagtulong-tulong sa pag-apula ng apoy ang mga kasapi ng BFP San Mateo at BFP Ramon at bandang alas-tres na ng hapon Enero-7 ng maideklara itong fire out.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa pinagmulan ng sunog.
Wala namang iba pang naiulat na nasaktan sa nasabing sunog.
Facebook Comments