𝟵𝟵𝟵 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬, 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗦𝗔𝗡𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗡𝗗𝗦𝗟𝗜𝗗𝗘𝗦 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔

Mahigpit na binabantayan ng Mines and Geosciences Bureau Region 1 ang mga barangay sa lalawigan ng Pangasinan na may mataas na tsansa ng pagbaha at landslides dulot ng bagyong Kristine.

Ayon kay Mines and Geosciences Bureau Region 1 Engr. Vilma Vecino, nasa 999 na mga barangay sa Pangasinan ang nakikitaan at tinututukan na maaaring magkaroon ng mataas na tsansa ng landslide at pagbaha.

Pinakamaraming barangay na binabantayan ngayon ng tanggapan ay ang lungsod ng San Carlos na nasa walumpu’t lima na sinusundan naman ng bayan ng Mangatarem na nasa walumpu’t dalawa.

Aniya, sa oras na lumala ang sitwasyon ay dapat na magsagawa ng pre-emptive evacuation sa mga residente ang concerned local government unit na lalo na sa mga bahagi na tinukoy ng DENR-MGB. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments