𝟵 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗚𝗔𝗠𝗕𝗟𝗜𝗡𝗚

CAUAYAN CITY – Timbog sa magkakahiwalay na operasyon ang siyam (9) na katao na nahuling nagsusugal sa probinsiya ng Cagayan.

Ayon sa report, tatlo ang (3) mula sa bayan ng Peñablanca ang nadakip dahil sa paglalaro ng “Pusoy Dos”.

Tatlo (3) rin mula sa Barangay Cabaritan ang dinakip ng pulis na naglalaro ng “tong-its” at tatlo (3) indibiwal din ang naaresto dahil sa paglalaro ng pool games o “Poker”.


Narekober sa siyam na nahuli ang mga ginamit nila sa pagsusugal kasama ang kanilang mga taya o pusta.

Sa ngayon ay pormal ng sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1602 o iligal na pagsusugal.

Facebook Comments