𝟡 π—œπ—‘π——π—œπ—•π—œπ——π—ͺπ—”π—Ÿ, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 π—žπ—”π—¦π—’π—‘π—š π—œπ—Ÿπ—Ÿπ—˜π—šπ—”π—Ÿ π—šπ—”π— π—•π—Ÿπ—œπ—‘π—š

CAUAYAN CITY – Timbog sa magkakahiwalay na operasyon ang siyam (9) na katao na nahuling nagsusugal sa probinsiya ng Cagayan.

Ayon sa report, tatlo ang (3) mula sa bayan ng PeΓ±ablanca ang nadakip dahil sa paglalaro ng “Pusoy Dos”.

Tatlo (3) rin mula sa Barangay Cabaritan ang dinakip ng pulis na naglalaro ng “tong-its” at tatlo (3) indibiwal din ang naaresto dahil sa paglalaro ng pool games o “Poker”.


Narekober sa siyam na nahuli ang mga ginamit nila sa pagsusugal kasama ang kanilang mga taya o pusta.

Sa ngayon ay pormal ng sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1602 o iligal na pagsusugal.

Facebook Comments