Dahil sa naranasang pag-ulan dulot ng Habagat at Bagyong Carina sa Pangasinan nadagdagan ang tubig sa San Roque Dam.
Base sa datos ng National Power Corporation nasa 9.56 meters ang dumagdag sa tubig ng San Roque mula July 25-26.
Mula sa dating 229.50 masl umakyat ito sa 239.06 Meter above sea level. Malayo pa ito sa normal high water level ng dam na nasa 280 meters above sea level.
Ibig sabihin hindi nito kinakailangan magbukas ng gate upang magpakawala ng tubig.
Matatandaan na nagpakawala ng tubig ang Binga Dam at Ambuklao Dam sa Benguet na sinalo ng San Roque Dam. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments