₱𝟰𝟳𝟯𝗞 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗞𝗘𝗥𝗬 𝗞𝗜𝗧𝗦 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗦𝗔 𝗔𝗥𝗕𝗢𝘀 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Tinanggap ng Calapugan Agrarian Reform Cooperative (CARe.Co) sa Natividad at ang Maresma Multipurpose Cooperative (MMPC) mula sa Balungao ang ₱437,000 na bakery kits mula sa Department of Agrarian Reform o DAR Pangasinan.

Ang bakery kits na natanggap ng mga ito ay oven, stainless steel table, bread rack, mixers at ten bags ng harina.

Layon nito na magkaroon ng extra income, at mas mapaganda ang bakery operations ng napiling benepisyaryo.

Maliban sa bakery kits sumailalim ang mga ito sa hands-on training sa paggawa ng tinapay.

Lubos ang kasiyahan ng mga benepisyaryo sa kanilang natanggap na malaking tulong upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments