Inilabas na ng Department of Budget and Management ang ₱1.4 billion na pondo para sa service contracting program sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).
Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na palawigin ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel hanggang katapusan ng Disyembre.
Inaprubahan na ni DBM Sec. Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) at Notice of Cash Allocation (NCA) para sa karagdagang pondo na susuporta sa libreng sakay.
Bunsod nito, aabot sa 50 milyong pasahero ang magbebenepisyo sa libreng sakay habang makikinabang din ang 620 unit ng Public Utility Bus na nasa ruta ng EDSA busway.
July 31 nang magtapos ang libreng sakay program sa EDSA Bus Carousel pero pinalawig ito ni Pangulong Marcos hanggang Dec. 31, 2022 upang makatulong sa mga Pilipino.