Nawasak ang halagang tinatayang ₱1.53 milyon ng marijuana matapos sunugin ng mga awtoridad ang apat na plantasyon sa isang liblib na lugar sa Sugpon, Ilocos Sur noong Pebrero 16 at 17, 2026.
Ayon sa ulat, sakop ng nasabing operasyon ang tinatayang 1,650 metro kuwadrado ng lupa kung saan natagpuan ang 7,650 halamang marijuana.
Agad na inalis at sinunog ang mga ito upang maiwasan ang pagpasok sa ilegal na merkado.
Isinasagawa ng kapulisan ng Rehiyon Uno ang operasyon bilang bahagi ng kampanya laban sa ilegal na droga upang maprotektahan ang komunidad mula sa banta ng narcotics.
Facebook Comments








