Aabot sa humigit kumulang ₱1.7 billion savings ang halaga na na-generate ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga consumers habang nakakaranas ng pandemic ang bansa.
Ayon kay Manila Teachers Partylist Rep. Virgilio Lacson, bilyong piso ang meter reading charges na nakuha ng Meralco na ipinataw sa mga consumers gayong wala naman talagang nagbahay-bahay na tauhan ng power company para magbasa ng metro sa buwan ng Marso at Abril.
Dahil dito, inihain ni Lacson ang House Resolution 0882 para siyasatin ang mga reklamo ng mga customers sa charges na ginawa ng Meralco na wala namang ginawang meter reading.
Nagpahayag naman ang Meralco na aalisin ang nasabing meter charges matapos itong igiit ng kongresista.
Giit pa ng mambabatas, sa ilalim ng IATF guidelines ay exempted o hindi kasali ang Meralco sa mga tumigil sa trabaho mula noon pang nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang maraming lugar kaya dapat ay nakapagsagawa ang mga ito ng meter reading.