₱1.9-M na halaga ng ecstasy, nakumpiska ng PDEA sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite

PHOTO: PDEA Calabarzon

Higit ₱1.9-M na halaga ng ecstasy ang nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation sa Bacoor City.

Nagresulta ito sa pagkaka-aresto ng high-value drug personalty na kinilalang si Jerome Jamila alyas “Randy”, 34-anyos, isang delivery rider at residente ng Pasay City.

Nakuha sa suspek ang higit 1,151 na piraso ng blue tablets na hinihinalang ecstasy na may estimated value na ₱1,956,700.00.


Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act (R.A.) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

Facebook Comments