Inaasahang darating na sa susunod na buwan ang mahigit isang milyong dose ng bivalent COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng COVAX Facility at iba pang bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang nasabing batch ng bakuna na darating ay mga donasyon at hindi pa kasama sa mga kinuha ng pambansang pamahalaan.
Inihayag din ng DOH na wala pang ibinibigay na bivalent vaccines sa bansa sa kasalukuyan.
Nauna nang sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na naglabas na ang Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization para sa bivalent vaccines ng Moderna at Pfizer.
Plano naman ng DOH na maging available ang bivalent vaccines sa bansa sa unang kwarter ng 2023.
Facebook Comments