Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)R ang nasa ₱1-M na halaga ng pinatuyong high grade marijuana bricks na dadalhin sana sa Eastern Metro Manila na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na kalalakihan.
Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga arestado na sina Dan Mark De Los Reyes, Lorence Ignacio, Vince Robles at John Cesar Padilla, mga residente ng Parang, Marikina.
Sakay ng black Toyota Avanza ang mga suspek nang harangin sa checkpoint sa Poblacion, Sadanga, Mountain Province.
Nasamsam sa apat ang marijuana bricks na may timbang na 8,250 grams.
Kasalukuyang nakakulong ang apat sa jail facility ng Mountain Province at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments