₱10-B, ipinadadagdag ni Speaker GMA sa budget ng DOH

Manila, Philippines – Humirit ng dagdag na sampung bilyong piso si House Speaker Gloria Arroyo sa Bicameral conference committee na nakatutok sa deliberasyon ng proposed 2019 national budget.

Ayon kay Arroyo, ilalaan ito sa Department of Health (DOH) para sa improvement ng mga health facility at sahod ng mga personnel tulad ng mga doktor at nurse.

Ito ay aniya ay para masolusyonan ang umano’y mass layoff ng nasa 6,000 health personnel.


Iginiit pa ni Arroyo, na kailangan ang karagdagang pondo bilang suporta sa ipinasang Universal Health Care Bill.

Matatandaang una nang humiling si Health Secretary Francisco Duque III sa Kongreso ng dagdag pondo para makumpleto ang mahigit 1,000 health facilities sa buong bansa.

Facebook Comments