Sinisingil na ng grupo ng mga guro si Pangulong Rodrigo Duterte sa pangako nitong dodoblehin ang kanilang mga sahod.
Ayon kay Benjo Basas, chairman ng Teachers’ Dignity Coalition, sa halip na doble-sahod ay itinuloy lamang ng pangulo ang Salary Standardization Law (SSL) kung saan kabuuang higit P6,000 umento ang matatanggap nila hanggang sa susunod na taon.
Dahil dito, ngayon pa lamang ay umaapela na ang grupo sa magiging susunod na pangulo ng bansa na ayusin ang salary grade level ng mga guro o aprubahan ang hirit nilang P10,000 across the board increase na isa rin sa anila’y mga pangakong napako ni Pangulong Duterte.
Giit pa ni Basas, ang Salary Grade 11 ng mga guro ang pinakamababa na sa lahat ng entry level ng mga government professional.