₱100 kada kilo ng sibuyas, posible pagdating ng imported onions ayon sa DA

Malaki ang kumpiyansa ng Department of Agriculture (DA) na bababa hanggang sa ₱100 ang kada kilo ng sibuyas sa mga pamilihan oras na dumating na sa bansa ang mga imported na sibuyas.

Pero nilinaw naman ni DA Deputy Spokesman Rex Estoprez na ito naman ay pagtatantiya lamang dahil hinihintay pa nila ang huling presyo ng mga mag-aangkat at kailangan din ikonsidera ang mga lokal na sibuyas.

Sinabi ni Estoperez na ang 21,060 metriko tonelada ng imported na sibuyas ay inaasahan nila na darating hanggang Enero 27 ngayong taon kasabay ng pag-ani ng mga lokal na sibuyas.


Nagsimula noong Lunes ang pagsusumite ng aplikasyon para sa pag-aangkat ng sibuyas at ngayon ang huling araw.

Paliwanag ni Estoperez na itinulak na nila ang pag-aangkat ng sibuyas noong Setyembre at Oktubre dahil sa inaasahan na ang pagtaas ng halaga nito sa Kapaskuhan ngunit hindi naisagawa dahil sa pagdami ng mga nakukumpiskang sibuyas.

Facebook Comments