Napigilan ang paglabas sa mga pamilihan ng tinatayang ₱100 milyong halaga ng mga pekeng branded na produkto.
Ito ay matapos salakayin ng Bureau of Customs Intelligence and Investigation Service at Enforcement and Security Service ng Manila International Container Port, National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG) ang isang bodega sa Tondo, Maynila.
Kabilang sa mga nakumpiska ang mga pekeng mamahaling brand ng bag, mga hindi rehistradong face masks, face shields at mga sabon.
May nakita rin ang mga otoridad na mga pekeng mga gamot na maaaring magdulot ng peligro sa kalusugan ng publiko.
Iniimbestigahan na kung sino ang responsable sa pagpupuslit ng daang milyong pisong halaga ng mga pekeng produkto.
Facebook Comments