Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ngayong araw ang pagpapalabas ng ₱11.5 billion para sa Department of Health (DOH).
Ito ay para sa One COVID-19 Allowance o Health Emergency Allowance (HEA) na iki-claim ng mahigit 1.6 million eligible public and private health care at non-health care workers.
Babayaran sa pondong ito ang hindi pa nabayarang allowance ng health care at non-health care workers mula Enero hanggang Hunyo 2022.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, nararapat lamang para sa mga healthcare worker na makatanggap ng suporta at assistance mula sa gobyerno dahil sa malaking tulong na naiambag nila sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Noong Lunes ay una nang inaprubahan ng DBM ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng ₱1.04 billion para pa rin sa mga public at private healthcare workers.